
BARANGAY
PIO DEL PILAR
NEWS
13
Jan 2025
Free House-to-House Anti-Rabies Vaccine
Magandang araw mga ka-barangay!
Simula po ngayong Lunes, Enero 13, mag iikot po ang ating Makati Veterinarian Team sa ating barangay upang magbigay ng libreng Anti-Rabies Vaccine sa ating mga alagang aso’t pusa.
Mangyari lamang po na ipakita ang vaccination card ng ating mga alaga kapag sila’y binakunahan.
Abangan lamang po sila sa ating lugar simula sa Lunes.
Maraming salamat po!
05
Nov 2024
Barangay Assembly Day
Magandang araw mga ka-barangay!
Kayo po ay aming inaanyayahang dumalo sa ating gaganaping Barangay Assembly ngayong darating na Linggo, Nobyembre 10 sa ganap na ika-9 ng umaga sa 5th floor ng WalterMart Makati.
Tayo po ay makinig sa mga proyektong naisagawa at gagawin pa.
Magkita kita po tayo mga ka-barangay!
29
Oct 2024
Tesda Scholarship for Manpooling
TESDA SCHOLARSHIP FOR MANPOOLING ONLY
CATEGORY: HOUSEKEEPING NC II
16
Oct 2024
Recruiting Patrol Men and Women
The Makati City Police is currently recruiting Patrol Men and Women. This is a great opportunity to serve the community and make a difference.
For inquiries and further details, please contact the recruitment hotline at 0905-3306840 or visit the official Facebook page at www.facebook.com/pnprss.recruitment.
Applications are being accepted until October 18, 2024.
10
Oct 2024
Pamaskong Handog Bags
Pasko na sa Makati!
Narito na ang schedule ng distribution ng tickets at Pamaskong Handog Bags ngayong 2024.
Huwag kalimutang magpalista sa MAC Satellite Office ng inyong barangay.
#WeLoveMakati
10
Oct 2024
Mega Job Fair
The Makati Public Service Office will be conducting a Mega Job Fair on October 10, 2024, from 9:00 am to 3:00 pm, at Circuit Activity Mall, Ayala Malls Circuit, Hippodromo, Makati City.
In addition to the job opportunities, the fair will include a One Stop Shop service. This will provide attendees access to essential government agencies and service providers, including the Social Security System (SSS), PAGIBIG Fund, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), and Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). These agencies will offer various employment and other services, ensuring comprehensive support for all participants.
To pre-register, you can visit the official
registration page at https://bit.ly/makatimjfoct2024.
The list of available job vacancies can be found at this link: https://bit.ly/MJFOct2024.
11
Sep 2024
LIBRENG ANTI- SHINGLES VACCINE
Magandang umaga po sa ating mga ka-barangay!
Ang atin pong pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Makati Health Department ay magbibigay ng LIBRENG ANTI- SHINGLES VACCINE para sa ating mga yellow card holders na 50 taong gulang pataas.
Ito po ay magsisimula ngayong ika-11 ng Setyembre (Miyerkules) hanggang ika-13 ng Setyembre (Biyernes), sa ating RHU health center sa Sitio Parada.
Dalhin lamang po ang inyong yellow card ID.
Ito po ay bukas mula ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.
Maraming salamat po.
25
Jul 2024
Siguraduhing protektado laban sa Leptospirosis!
Taliwas sa kaalaman ng nakararami, hindi lamang sa ihi ng daga nagmumula ang bakterya na nagdudulot ng Leptospirosis.
Kung kaya’t ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ay ang pangunahing sandata upang maiwasan ang sakit na dulot ng bakteryang ito.
Narito ang ilan pang impormasyon na dapat nating malaman upang tayo ay makasigurado sa proteksyon ng pamilya laban sa Leptospirosis.
#DOH #Advisory #WILD #WILDDiseases #Leptospirosis #Health #BagongPilipinas #KagawaranNgKalusugan #OneDOH
26
Mar 2024
Libreng Tuli Pre-Screening
Magandang araw mga ka-barangay!
Maaari na po tayong magpa screen ng ating mga anak na lalaki edad 10-pataas para sa darating na Libreng Tuli.
Mangyari lamang po na magpunta sa ating mga health centers upang makapagpalista at makapagpacreeen.
Maraming salamat po.
26
Mar 2024
TESDA Housekeeping National Certificate Course
Magandang araw mga ka-barangay!
Tayo po ay nagpapasalamat sa tanggapan ni Congressman Luis Campos sa pagkakaloob ng 25 slots para sa TESDA Housekeeping National Certificate Course.
Ito po ay naka First Come, First Serve Basis.
Sa mga nais pong makasali, mangyari lamang po na makipag ugnayan sa ating barangay o di kaya naman ay magpadala ng mensahe sa Livelihood Committee Vice-Chairman Kagawad Acha.
Maraming salamat po.
20
Mar 2024
2024 Voter Education and Registration Fair
Magandang araw mga ka-barangay!
Tayo po ay magkakaroon ng Satellite Registration sa ating Barangay Hall bukas, March 21, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon.
Para po sa mga proseso at requirements, mangyari lamang po na basahin ang mga paalala sa ating pubmat.
Maraming salamat po at #MagpaRehistroKa!