
BARANGAY
PIO DEL PILAR
EVENTS
03
Aug 2025
Voter Registration
Magandang araw mga ka-barangay!
Tayo po ay magkakaroon ng satellite registration sa 5th floor ng Waltermart Makati ngayong darating na Linggo, Agosto 3.
Ang registration po ay para lamang sa mga bagong botante, mga di pa nakakaboto, at mga galing sa overseas voting. Magkakaroon din po ng correction of entry at change of status ngayong darating na Linggo, 9:00 AM-4:00 PM.
Mangyari lamang po na basahin ang pubmat para sa mga kinakailangang requirements.
Maraming salamat po.
25
Jan 2025
Pio Del Pilar Concert
Magandang araw mga ka-barangay!
Bilang pagdiriwang sa kapistahan ng ating mga patron, San Ildefonso at San Juan Bosco, ang atin pong barangay, sa pangunguna ni Kapitana Popcorn S. Lacia, Kagawad Cesar Parrucho, ang buong konseho kasama na rin ang ating Sangguniang Kabataan, ay inihahandog ang Pio del Pilar Concert Night na gaganapin sa January 25 sa ganap na ika-7 ng gabi sa Evangelista st. Corner Arnaiz Ave!
Magkita kita po tayo!
24
Jan 2025
Little Miss & Mister Pio Del Pilar
Search for LITTLE MISS & MISTER PIO DEL PILAR are now open AGE 5yrs old to 9yrs of age.
Event will be on Jan 24,2025 at Evangelista cor. Arnaiz ave.
Pre Orientation po on Jan 17,2025 Friday 6:00pm at Barangay Hall 3rd flr
23
Jan 2025
BiGAYtin Queen
Get ready to witness a dazzling evening of elegance, beauty, and talent! Join us as we celebrate the Bigaytin Queen 2025 with stunning performances and memorable moments.
This event is headed by:
Hazel Ann “Popcorn” Lacia – Barangay Captain, Pio del Pilar
Cesar “Loloboy” Parrucho – Kagawad In-charge, Committee on Education & Culture
Together with the Barangay Council and Sangguniang Kabataan Council.
Mark your calendars and be part of this spectacular night!
25
Oct 2024
Children's Month Celebration
Magandang araw mga ka-barangay!
Handog ng ating Kapitana Popcorn Lacia at ng buong konseho ang Children’s Month Celebration ngayong darating na Oktubre 25, 2024. Narito po sa ating pubmat ang mga guidelines at panuntunan para sa ating mga gawain. Maraming salamat po!
04
Oct 2024
World Animal Day
Magandang araw mga ka-barangay!
Para po sa mga pet owners, bukas po ay may inihandang programa ang ating pamahalaang lungsod ng Makati sa pamamagitan ng Makati Veterinary Services Department.
Mangyari lamang po na pumunta sa Pio Parada Court.
Nasa larawan po ang ibang detalye.
Maraming salamat po!
28
Sep 2024
The Pawrents Festival!
Magandang araw mga ka-barangay!
Para po sa mga pet owners, bukas po ay may inihandang programa ang ating pamahalaang lungsod ng Makati, Organised by Whisk Traven.
Narito po ang mga detalye:
Petsa: Setyembre 28, 2024
Oras: 9:00 AM - 9:00 PM
Lugar: 5464 Mayor St., Pio Del Pilar, Makati
LIBRE ANG ENTRANCE! May free goodie bags din po!
Maraming salamat po at magkita-kita tayo doon!
14
Jul 2024
BINGO BONANZA 2024
Magandang araw mga ka-barangay!
Ito po ang detalye para sa ating darating na Bingo Bonanza sa Linggo, July 14.
Maraming salamat po.!
11
Jul 2024
Pagpupugay sa ating Hen Pio del Pilar!
Isang pagpupugay sa ating Hen Pio del Pilar!
Tayo po ay nagpapasalamat sa ating Mayora Abby Binay, Vice Mayor Monique Q. Lagdameo, Congressman Luis Campos, Congressman Romulo Valderama Peña Jr., at sa ating Sangguniang Panglungsod sa kanilang suporta sa ating mga programa.
Maraming salamat din po sa Makati Cultural Affairs Office sa pangunguna ni dating konsehala Ichi Yabut sa pakikiisa sa pagpaparangal sa ating bayani.
Maraming salamat din po sa Makati Lancers at University of Makati Cadette sa pagpapaunlak sa ating imbitasyon upang gawing taimtim amg ating Hero’s Parade.
Maraming salamat po, Kapitana Popcorn S. Lacia, Kag. Cesar Parrucho, Vice Chairman on Education & Culture, at sa buong konseho, sa inyong mga inihandang programa. Maraming salamat din po sa ating SK Pio del Pilar sa pangunguna ni SK Chairperson Janine Nicole Quinto kasama ang kanyang konseho para sa mga programa para sa kabataan.
Abangan po natin ang mga iba pang aktibidades na inihanda ng ating Sangguniang Barangay.
Maligayang Kaarawan Hen Pio del Pilar!
Go to Gallery
26
Jan 2024
FIESTA BINGO BONANZA 2024
Magandang araw mga ka-barangay!
Tayo po ay inaanyayahang lumahok sa ating Fiesta Bingo Bonanza na gaganapin ngayong Jan. 27, sa Washington St., cor. Facundo St.
Ang detalye po para sa bingo card distribution ay nasa baba.
Maraming salamat po.
27
Jan 2024
FIESTA FUN RUN 2024
FUN RUN Update:
Magandang araw mga ka-barangay!
Para po sa mga nagnanais na sumali sa ating fun run, narito po ang mga detalye.
Maaari lamang po na magmessage sa ating facebook account at Bagong Pio Del Pilar page sa mga katanungan.
Maraming salamat po.