
BARANGAY
PIO DEL PILAR

LIBRENG ANTI- SHINGLES VACCINE
Magandang umaga po sa ating mga ka-barangay!
Ang atin pong pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Makati Health Department ay magbibigay ng LIBRENG ANTI- SHINGLES VACCINE para sa ating mga yellow card holders na 50 taong gulang pataas.
Ito po ay magsisimula ngayong ika-11 ng Setyembre (Miyerkules) hanggang ika-13 ng Setyembre (Biyernes), sa ating RHU health center sa Sitio Parada.
Dalhin lamang po ang inyong yellow card ID.
Ito po ay bukas mula ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.
Maraming salamat po.